Panalo ang Smart Omega sa kanilang match laban sa TNC sa Week 3 Day 3 ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League (MPL) Philippines Season 8.
Mabagal ang naging takbo ng game one na umabot ng mahigit 26 minuto, subalit nakuha pa ring magdomina ng Omega sa kabila ng halos 9K na gold deficit.
Kabaligtaran naman ang nangyari sa game two na hindi man lang inabot ng 13 minuto, kung saan naging mas agresibo ang Omega.