FlapTzy: ‘Binalik namin yung dating playstyle namin’

FlapTzy: ‘Binalik namin yung dating playstyle namin’
Publish Date 24 Sep 2021
Author RON "HOT-E" MUYOT
Viewed 872 times

Nasungkit ng Bren Esports ang kanilang ikalawang panalo sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League (MPL) Philippines Season 8.

Muling namayagpag ang M2 World champions nang tapusin nila ang match laban sa NXP Evos sa score na 2-1.

Tinanghal na MVP ng game one si Karl Gabriel “KarlTzy” Nepomuceno gamit ang kanyang Paquito na may nakakabilib na 5/1/10 KDA. Samantalang ang kalahati ng Tzy Brothers naman na si David Charles “FlapTzy” Canon ang naging MVP ng game three gamit ang kanyang Esmeralda na may KDA na 3/0/3.

MLBB MPLPHSeason8 KarlTzyMVP

Sa post-match interview, ipinaliwanag ni FlapTzy ang naging formula ng kanilang team upang maging mas epektibo kumpara sa laro nila noong mga nakaraang linggo. Tinanong sya kung anong nagbago sa kanilang mindset sa pagpasok ng match na ito.

“Nagpalit-palit sila ng role. Tapos hinanap namin yung chemistry sa isa’t isa,” sagot ni FlapTzy. “Binalik namin yung dating playstyle namin. Hindi na kami nag-aadjust sa iba, dapat sila yung mag-adjust sa’min. Ganun dapat.”

MLBB MPLPHSeason8 FlapTzyMVP

Importante ang panalong ito para sa Bren upang makahabol sa standings at makapasok sa playoffs. Hindi magiging madali ang mga darating na linggo para MPL Season 6 champions dahil sa kalibre ng mga teams na kanilang kakaharapin, pero minsan na nilang pinatunayan na walang imposible sa puso ng kampeon.

Muling makakaharap ng Bren Esports ang NXP Evos sa September 24, 8:00 p.m. GMT+8.

Mapapanood ang mga matches nang live sa opisyal na Facebook channel ng MPL Philippines.

Share
Reactions
smile
1
excited
shocked
sad
love
angry
Comments
1 Comment
Hubby KM
- 1 week ago
- 1w
Awesome