Tungkol Sa

Ang prestihiyosong MOBILE LEGENDS: BANG BANG PROFESSIONAL LEAGUE ay ang pinakamalaking mobile games competition o palaro sa Timog-silangang Asya.

Taong 2018 noong opisyal na makabilang ang Pilipinas sa liga at Aether Main ang itinanghal na kampyon sa kauna-unahang Season ng MPL-PH.

Sinundan ito ng Season 2 (Oktubre 2018 - Enero 2019) at Cignal Ultra ang nakabingwit ng titulo.

Ang koponan naman ng ArkAngel ang nagwagi noong Season 3 (Marso-Mayo 2019).  

Back-to-back champions ang Sunsparks noong Season 4 & 5.

Labis na ipinakita ng Bren Esports ang kanilang pagiging dominante sa buong Season 6, kung saan sila naman ang itinanghal na kampeon.

Maguumpisa na ang Mobile Legends: Bang Bang Professional League PH Season 7 (MPL-PH S7). Sampung koponan ang maglalaban para sa US$120,000 prize pool. Sino sa 10 teams ang magwawagi mula sa Qualifier Stage, Regular Stage at Playoffs Events?

Panoorin ang buong tournament nang Live sa MLBB Facebook page, Youtube, at Tiktok.