Mythical Raffle Draw is Back!

Mythical Raffle Draw is Back!
Publish Date: 17 Aug 2020

Muling nagbabalik ang Mythical Raffle Draw sa MPL-PH Season 6! Bukod sa mga kapanapanabik na mga laban, mas marami kaming ipamimigay na mga papremyo sa torneyo. Dahil sa inyong kahilingan, ginawa namin itong mas kapanapanabik magmula sa unang linggo ng Regular Season hanggang sa Playoffs! πŸ₯³

Paraan ng Pagsali:
Ang MPL-PH Season 6 ay mag-uumpisa sa Regular Season at mayroong 9 na linggo ang torneyo (8 linggo ng regular season at 1 linggo ng Playoffs). Mayroon kaming ibabahaging form kada linggo. Ang form para sa unang linggo ay iaanunsyo bukas!

Para sa Regular Season forms, kailangan mong punuan ang form at isumite kasabay ng Regular Season upang makasali sa lingguhang Mythical Raffle Draw at magkaroon ng tsansa manalo ng Epic na mga papremyo! Para naman sa form sa Playoffs, kailangan mong punuan ang form at isumite kasabay ng Playoffs upang makasali sa Mythical Raffle Draw kada araw at magkaroon ng tsansa manalo ng Mythical Prize!

Kung ikaw ay nakapag-sumite ng 5 forms na kasama sa Regular Season at Playoffs, ikaw ay makakasali sa eksklusibong ‘Final Mythical Raffle Draw’ πŸ€― at may pagkakataong manalo ng kaisa-isang Mythical Prize. Kung ikaw ay nakapag-sumite ng form kada linggo, mas mataas ang tsansa mo manalo ng Mythical Prize! Abangan ang pag-anunsyo ng unang form bukas. Tandaan na sa Season na ito, lahat ng forms ay magsasara at hindi na kami tatanggap ng mga tugon, kapag nagumpisa na ang torneyo sa bawa’t linggo. πŸ†

Upang mas maging kapanapanabik ang aktibidad na ito, nagdagdag kami ng mga tanong sa mga form. Magkaroon kayo ng tsansa manalo ng mga in-game items, sponsors’ mystery gifts?, eksklusibong pro team merch at cash na papremyo sa pagsagot sa form!

  1. Mayroong 3 klase ng mga premyo ang maaaring mapanalunan sa Mythical Raffle Draw:
    • πŸ₯‰ Epic Prize - In-game items na nagkakahalaga ng 3,000 diamonds! Ang mga mananalo ay pipiliin kada linggo sa Regular Season.
    • πŸ₯ˆ Legendary Prize: In-game items na nagkakahalaga ng 30,000 diamonds at sponsors’ mystery gifts! Ang mga mananalo ay pipiliin kada araw sa Playoffs.
    • πŸ₯‡ Mythical Prize: In-game items na nagkakahalaga ng 300,000 diamonds at sponsors’ mystery gifts! Ang mga mananalo ay pipiliin sa huling araw ng Playoffs, sa oras na mayroon nang nanalo sa grand final na laban. πŸ‘‘
  2. Ikaw ay makakatanggap ng mga puntos sa pag-sumite ng mga forms! Base sa dami ng mga naipong puntos, ang top 100 na sumali ay mabibigyan ng 100 diamonds bawa’t isa mula sa kabuuang prize pool na 10,000 diamonds kada linggo (kung mayroong nag-tabla sa puntos, kung sino ang naunang mag-sumite ng form ang siyang makakatanggap ng diamonds).
  3. Magkaroon ng tsansa manalo ng EKSKLUSIBONG merch mula sa inyong paboritong PH pro teams sa pamamgitan ng pagsuporta sa kanila!
  4. Base sa mga naipong puntos matapos ang playoffs sa MPL-PH Season 6, ang top 10 na kasali ay magkakaroon ng bahagi sa US$1,000 at mystery gifts mula sa ating mga sponsors!

Umpisa na ng MPL-PH S6 Regular Season sa ika-21 ng Agosto 7:30 PM, at ang pambungad na laban ay 

ONIC Philippines vs Bren Esports

Tandaan at tumutok para sa kapanapanabik na laban! Para sa karagdagang impormasyon sa torneyo, bisitahin ang https://ph-mpl.com/